Haaaaaay, ang hirap nito..pero cge gusto nyong malaman ang love life ko..
Instruction:A blog post about your significant other (boyfriend/girlfriend, husband/wife, fiance). Just include the following in your blog post:
1. First name: if he doesn’t like his name plastered all over the internet, a pet name will do.
2. How and where did you meet?
3. Characteristics
4. Your plans 20 to 30 years from now
1. Love. Yan ang tawag naming mula pa ng magboyfren kami..imagine 8yrs kami naging mag-boyfren…ngayon PAPA na kasi para masanay rin un mga bagets naming na tawagin kami ng ganun..pag galit ako buong name nya ang tawag ko sa kanya..
2. Actually elementary magclassmate na kami at crush ko siya..(bata pa ako malandi na me he he he)pero indi naman nya ako pinapansin dedma siya kung baga…hanggang sa ng high school ako magkatabi lang ang school naming…dedma ko na siya ksi may bago na akong crush noon. Pero isang araw nagkasabay kami pauwi (of course di ko na siya type di ko na siya pansin) kinausap niya ako kung pwedeng manligaw na raw sa akin…dedma pa rin ako..(pero kinikilig me deep inside) ayun to cut this long story naging kami for 8 years..pero indi bulgar parang wala lang…may ka-M.U ako sa school namin (na sobrang love ko ung lalaki na un) at siya rin meron I’m sure…pagnagkausap lang kami un boyfren ulit kami..(bata pa kasi kami)
Hanggang sa nagkawork na kami medyo papunta na sa totohanan..after 7 years na puro ganun…ung ika 8 namin medyo nagkalabuan na kasi huli ko na siya eh pumapalag pa na kunwari indi nya girlfren un sa kaibigan nya raw…(japayuki un eh pero in-far-ness maganda siya) ayun AYOKO NA! TIGILAN AKO! (drama me) eh kaso habol to death na siya kasi nga the following year gusto na niyang magpakasal kami…dun ko siya nakitang umiyak ng todo with matching tulo ang uhog (he he he haba ng hair ko noh) after 3 weeks pinatawad ko na rin ang loko sabi nga mahal ko rin…ayun at nabuo ang panganay ko (he he opo ikinasal me buntash na me)
3. ang husband ko ang tipong tahimik lang pero pag nagsalita na quiet ka lang muna. Pag nagsalubong ang kilay patay kang bata ka..pero siyempre di ako takot(ano bali)…sabi ko nga sa kanya pag sinaktan niya ako papatayin ko siya noh…(ex. Itulak ko sipa ang katapat niya) mabait siya at sweet yan pero indi sa harap ng ibang tao..sobrang mahiyain yan lalo na pag di kayo closed..sobrang supportive yan sa akin at sa mga frens nya..siya ung tipong di makatanggi..bilang ama naman sa mga bagets indi siya namamalo ng todo puro panakot lang..puro laro sila pag walang pasok..ako nasa isang tabi tulog (kaya nga sabi nilang mag aama tingnan nyo tulog na si babe ung baboy..siraulo talaga) malakas mag asar grabe…sarap ding magluto(kita naman sa katawan ko). Mabuting asawa, kaibigan at ama…
4. sana may sarili na kaming bahay at sana rin may munting negosyo na kami (yoko na kasing magwork)..sana rin mahal pa rin naming ang isat-isa..sana rin makapag-aral ang mga bagets naming sa magandang school..
2 sumagot sa ngayon ↓
bruhilda // Nobyembre 23, 2007 Sa 2:47 umaga
tnx sa paggawa ha. alam kong dinugo ka dito. kaya pala nabuo si panganay eh away muna kayo tapos lambingan
hahahaha
cdy173 // Nobyembre 23, 2007 Sa 4:14 umaga
bagay talaga kayo he..he.. kasi opposites attract daw. Sya mahiyain ikaw….indi