buhay ko..buksan mo!

bossing

Nobyembre 7, 2007 · Mga Puna

haay…di ko alam kung saan ako magsisimula…sa dami ng naiisip kong ilagay dito sa blog ko….well any way umpisahan ko na lang sa bisor ko….he he he

Actually, mabait naman siya sa ibang bagay…pero minsan peste talaga…ito ung mga morning rituals nya…malalaman mong siya ung dumadating pag malakas ang yabag(kahit nakacarpet na ang opis)ramdam ko talaga..at take note maingay na…buong opisina dinig siya..ibaba lang ang bag tapos she will ask you kung nagbreakfast ka na..siyempre sagot oo..tapos pupunta sa mga ka berks nya(mga senior citizen)tsimis agad to the max…after a minute punta na naman sa akin tanong naman kung ng coffee na ako..(abay oo naman di mo ba nakikita ung cup ko)siya indi pa sasabihin nyan pwede bang magkape muna bago ako magtrabaho(oo naman wala namang pumipigil sa kanya) ano ba yan parang siya lang ang maraming ginagawa dito. after mag salita punta na naman sa mga SC daldal na naman..di kaya siya napapagod…take note ulit pag kinakausap ka nya kailangan nakatingin ka sa kanya..kahit malapit na kayong makapalit ng mukha..afterwards uupo pwede bang mag polbo muna ako..(ambot ah! gusto pa yata lagyan ko siya ng polbo) di ko na trabaho yan ate….pag katapos nyan eto na po dami ng utos….utos number one natawagan mo na ba si ganun si ganyan…utos number two tawagan mo si ganito(take note again nasa harapan nya ung telephone..leste talaga)utos number three ano na ang natapos mo..etc. gawin mo to…gawin mo yun…kunin mo yun..ilagay mo to..punta ka dito..punta ka doon(he he.. oo lang ako ng oo yoko nga gawin sa dami nun wala ako natatapos).

Tapos eto na mapapansin pag nandito siya…lahat ng tao dito naka ear phone…paano ba naman kausap lang sa phone parang may megaphone na hawak…ok nandun na ako opisyal naman pero pati personal grabe alam ng buong production dito sa opis…ganito yan eh “ano ka ba ung sinampay dyan kunin mo ha baka mabasa(asawa nya ang kausap)” or “ano ba tumigil kayo dyan lagi na lang kayong nagaaway pwede ba marami akong ginagawa noh..blag basak ng telepono(kausap nya mga apo nya)…hay naku biruin mo in 6 yrs na kasama ko siya immune na ako di ko na nga alam kung malakas ba boses nya o mahina sa pandinig ko eh…eto pa di ko kinaya…pag nakipag istoryahan sa mga SC tungkol sa sex life (@#$#%^ina…nakakadiri kaya)ano ba kahit may asawa na ako ayoko naman kc naman ang tatanda na kaya…humahagikgik pa yan…hay naku kawaan mo po siya.

Di ko na lang minsan inisip maigi kasi baka mastress ako biruin mo araw-araw ba naman..I always look na lang dun sa mga magaganda nyang ginagawa sa akin(ewan ko lang pagnakatalikod ako..sana lang indi)… di rin siya madamot sa pagkain lagi ka nyang ililibre (paano maraming kailangan sa akin he he)lahat naman ibibigay nya…kaya nga pag birthday nya buong opis ang kakain(o diba) at siya ang nagluluto nga lahat ng putahe….sarap…

Sabi ko nga sa sarili ko ganyan na talaga siya di ko na mababago…kailangan mag adjust bisor ko siya eh…

Mga Kategoriya: work

2 sumagot sa ngayon ↓

  • bruhilda // Nobyembre 8, 2007 Sa 2:11 umaga

    nararamdaman ko ang feeling mo sarap jombagin diba. sex lyf nga nya kadiri minsan natatawa ako sa action nya kasi naman kwento w/ action pa talaga at feel na feel ang pagtawa parang kinikiliti sa tingle hahahahah. akalain mo yun at talagang active pa ang sex lyf well walang masama sa taong malibog. :)

  • bruhilda // Nobyembre 8, 2007 Sa 2:12 umaga

    tag pala kita sa abcd at 7 facts chenes di mo ginawa.

Mag-iwan ng Puna